4 na trabahador ng kontrobersyal na ‘footbridge’ sa EDSA huli sa buy-bust operation

By Dona Dominguez-Cargullo November 21, 2018 - 06:28 AM

Arestado ang apat na construction workers matapos mahuli sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad habang sila ay nasa barracks sa kontrobersyal na footbridge sa EDSA malapit sa kanto ng NIA Road sa Quezon City.

Ikinasa ng mga tauhan ng Quezon City Police District Station 10 ang operasyon matapos may magsumbong na gumagamit ng ilegal na droga ang mga trabahador sa nasabing barracks.

Kinilala ang mga naaresto na sina Jan Jan Rasonable, 26 anyos; Joseph Baldia, 27 anyos; Lolito Lacang, 38 anyos at Jonard Jagon, 23 anyos.

Nakuha mula sa kanila ang apat na maliliit na sachet ng hinihinalang shabu., tatlong piraso ng P100 na ginamit bilang buy-bust money at mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5, 11, 13, at 14, Article ll ng RA 9165.

TAGS: 4 arrested, buy bust, quezon city, Radyo Inquirer, 4 arrested, buy bust, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.