P3.7T 2019 national budget lusot na sa Mababang Kapulungan

By Len Montaño November 21, 2018 - 04:03 AM

Kuha ni Ruel Perez

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang P3.75 trillion national budget sa 2019.

Pero tila ikinainis pa ito ng Senado dahil nagipit sila sa panahon para himayin ang panukalang national budget sa susunod na taon bago ang Christmas break ng Kongreso sa Disyembre.

Ayon kay Senate committee on finance vice chairman Senador Panfilo Lacson, maaaring magkaroon ng reenacted budget o maulit ang 2018 budget sa 2019.

Duda pa si Lacson na baka may isiningit na pork budget kaya natagalan ito sa Kamara.

Pero ayon sa mga kongresista, alam ng mga senador ang kanilang timeline sa pagpasa ng pambansang pondo sa 2019.

Itinanggi ni House committee on appropriations chairman Representative Rolando Andaya na may delay sa kanilang pag-apruba. Malinaw anya sa Senado na on time nilang matatanggap ang panukalang budget.

Samantala, sinabi ni Senate President Tito Sotto na hindi sila ang dapat sisihin sakaling maulit ang kasalukuyang budget sa susunod na taon.

Ayon kay Sotto, hihimayin nilang mabuti ang panukalang budget kaya sa Enero na ito masasalang sa bicameral meeting.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.