China tutulong sa Marawi rehab at Ompong victims
Sa pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa banta ay inilatag nito ang mga tulong na ibibigay sa Pilipinas.
Ang Pilipinas anya bilang ‘win-win’ partner ng China ay suportado nila sa giyera kontra droga at sa pagsugpo sa terorismo.
Sinabi ng Chinese leader na tutulungan ng China ang Pilipinas sa muling pagsasaayos ng mga kalsada at tulay sa Marawi City na nawasak dahil sa giyera at maging sa pagtatayo ng mga bagong imprastraktura sa lungsod.
Magkakaroon din umano ng mas maraming imports ang China mula sa Pilipinas kabilang ang Philippine coconut.
Mula 2019 hanggang 2021 ay magbibigay din ang China ng 50 scholarship grants para sa mga estudyanteng Pinoy.
Samantala, sinabi rin ni Xi na magbibigay ng 10,000 tonelada ng bigas ang China para sa mga komunidad na naaapektuhan ng Bagyong Ompong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.