Bangkay ng babaeng nalunod sa karagatan ng Albay natagpuan na
Natagpuan na ng Philippine Coast Guard ang katawan ng babaeng napaulat na nawawala noong nakaraang linggo matapos bumaligtad ang sinasakyang bangka sa Albay.
Ayon sa PCG, natagpuan ang katawan ni Mylene Rondina sa Brgy. Maramba sa bayan ng Oas sa Albay.
Iniulat na nawawala si Rondina noong November 17 matapos na bumaligtad ang sinasakyan niyang motorboat kasama ang kaniyang asawa at tatlo nilang mga anak sa karagatang sakop ng Libon.
Nagawa namang mailigtas noon ng mga mangingisda sa lugar ang mister at ang tatlong bata.
Naiturn over na sa pamilya ng biktima ang kaniyang katawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.