Klase sa tatlong barangay sa Taguig suspendido ngayong araw kaugnay ng pagbisita ni Pres. Xi
Suspendido na rin ang klase sa tatlong mga barangay sa Taguig City kaugnay ng pagbisita sa bansa ni Chinese Pres. Xi Jinping.
Sa bisa ng executive order number 27, ipinag-utos ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas public at private sa Barangay Western Bicutan, Fort Bonifacio at Pinagsama.
Suspendido rin ang trabaho sa gobyerno para sa satellite office ng Taguig City sa SM Aura Tower.
Ang mga taong mayroong transaksyon sa gobyerno ay pinapayuhang magtungo sa Taguig City Hall sa Brgy. Tuktukan.
Pinaalalahanan din ng local na pamahalaan ang mga motorista na mayroong mga lansangang isasara sa Bonifacio Global City.
Magdudulot ito ng masikip na daloy ng traffic sa lugar partikular na sa Lawton Avenue sa Brgy. Fort Bonifacio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.