Camila Cabello, okay na sa dating mga kagrupo sa Fifth Harmony

By Rod Lagusad November 20, 2018 - 03:49 AM

Pakiramdam ng American singer na si Camilla Cabello na okay ang mga bagay-bagay sa pagitan niya at ng mga dating kagrupo sa girl group na Fifth Harmony na sina Lauren Jauregui, Normani Kordei, Dinah Jane Hansen at Ally Brooke.

Noong nakaraan Billboard Music Awards ay nagkita sina Camilla at Normani kung saan nagkausap sila kahit saglit lang.

Ayon kay Camila, pareho silang lumapit sa isa’t isa at kanyang sinabi sa dating kagrupo na sana ay lahat sila ay makapag-move on na mula sa nangyari.

Aniya lubos din siyang natutuwa sa iba nilang mga kagrupo at kanyang hiling ang makakabuti sa mga ito.

Dagdag ni Camila, tumugon naman si Normani na proud ito sa kanyang naabot sa career nito.

Mula nang umalis sa grupo si Camila at sumikat sa kanyang kantang ‘Havana’ na naging worldwide hit.

TAGS: Camila Cabello, Fifth Harmony, Camila Cabello, Fifth Harmony

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.