Mga pampublikong paaralan, gov’t offices, inoobliga ng Malakanyang na makilahok sa anti drug war campaign

By Chona Yu November 19, 2018 - 08:59 PM

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga pampublikong paaralan at government offices sa buong bansa maging ang Government Owned and Controlled Corporation, na aktibong makilahok sa anti drug war campaign ng administrasyon.

Base sa Memorandum Circular Number 53 na nilagadaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, inaatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ipagamit ang lahat ng assets na mayroon ang mga opisina ng pamahalaan, GOCCs at State Universities and Colleges para tumulong sa anti-illigal drugs campaign.

Paliwanag ng palasyo, layunin ng Memorancdum Circular na matulungan ang law enforcers tulad ng PDEA, Dangerous Drugs Board at anti-illigal drugs taskforce na masawata ang iligal na droga.

Nakasaad pa sa memo ng palasyo na bahagi ng polisiya ng estado para masigurong epektibo ang kampanya nito laban sa ipinagbabawal na gamot.

TAGS: anti drug war campaign, GOCCs, Rodrigo Duterte, SUCs, anti drug war campaign, GOCCs, Rodrigo Duterte, SUCs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.