Pangulong Duterte at Xi Jinping, magpupulong sa Pilipinas sa unang pagkakataon
Sa unang pagkakataon ay magpupulong sa Pilipinas sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping.
Darating sa bansa si Xi Martes ng umaga para sa dalawang araw na state visit.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sina Duterte at Xi ay magpapalitan ng pananaw sa mga isyu na may mutual concerns ang Pilipinas at China.
Dagdag ni Panelo, ang ugnayan ng dalawang bansa ay noon pang Pre-Spanish times.
Simula noon ay naging partners na ang Pilipinas at China sa larangan ng kalakalan at negosyo.
Ang pagbisita aniya ni Xi sa bansa ay pagkakataon para lalong palakasin at panatilihin at bilateral relations ng Pilipinas sa ibang bansa.
Pinuri ng bansa ang patuloy na pagsusulong ng Chinese president sa kapayapan at stability ng rehiyon kabilang ang isyu sa South China Sea.
Parehong umaasa aniya ang dalawang bansa ng mas malapit na ugnayan sa isa’t isa alinsunod sa diplomatiko pero independent foreign policy ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.