Abogado ni Rep. Imelda Marcos, pinagpapaliwanag ng Sandiganbayan

By Erwin Aguilon November 19, 2018 - 03:40 PM

Inquirer photo

Pinagpapaliwanag ng Sandiganbayan ang abogado ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos kung bakit hindi siya dumalo sa ikalawang pagdinig noong nakaraang linggo.

Sa inilabas na kautusan ng fifth division ng Anti graft court, binigyan lamang nito ng limang araw si Atty. Robert Sison kung bakit hindi siya dapat pagmultahin dahil sa hindi pagdalo sa hearing noong biyernes, Nobyembre 16.

Matatandaan na hinanap ni Division chairperson Associate Justice Rafael Lagos si Sison noong nakaraang linggo na hearing subalit sinabi ng kanyang kasamang abogado na si dating Government Corporate Counsel Manuel Lazaro na may sakit ito.

Si Sison ang lead counsel ni Marcos sa mga kasong graft kaugnay sa pagtatayo ng pitong foundations sa Switzerland na nagbenepisyo ang kanyang pamilya kaya hinatulan siya ng guilty ng Sandiganbayan .

Nabigo rin makadalo sa pagdinig si Sison at Marcos sa promulgation nila noong Nobyembre 9.

TAGS: Atty. Robert Sison, Imelda Marcos, sandiganbayan, Atty. Robert Sison, Imelda Marcos, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.