Paggamit ng plate No. 8, iligal ayon sa LTO

By Len Montaño November 18, 2018 - 12:01 AM

Kinumpirma ng Land Transportation Office (LTO) na iligal na ang paggamit ng No. 8 protocol plate na para lamang sa mga Kongresista dahil wala ng bagong issue ng naturang plaka para sa 17th Congress.

Ayon kay LTO Law Enforcement Service director Francis Almora, valid ang No. 8 plates hanggang noong 2016 lamang dahil ang last batch na kanilang inilabas ay para sa mga mambabatas noong 16th Congress.

Taong 2013 hanggang 2016 anya ang tenure ng 16th Congress kaya ngayong taon ay tapos na ang termino ng mga kongresista na miyembro ng 16th Congress.

Sinabi ni almora na pagkatapos ng termino ng kongresista ay dapat na ibinalik ang protocol plate sa Secretary General ng Kongreso na siya namang magsosoli sa LTO matapos ang expiration ng validity period.

Hiniling na ni Majority Floor Leader Rep. Rolando Andaya Jr. sa mga dating miyembro ng House of Representatives noong 16th Congress na isoli na ang protocol plates sa gitna ng mga insidente na kinasasangkutan ng No. 8 plate.

Suportado naman ng LTO ang hakbang ng Kamara na pag-recall sa protocol plate No. 8.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.