Dalawang mangingisdang Pinoy, patay sa rambol sa barko sa Taiwan
Dalawang Pilipinong mangingisda ang nasawi samantalang apat pa ang nasugatan kabilang ang 2 pang Pinoy at dalawang Vietnamese sa rambol sa loob ng isang barkong pangisda sa Taiwan.
Ayon sa Taiwan Central News Agency, naganap ang insidente noong October 28 sa pagitan ng grupo ng mga Pilipino at mga Vietnamese na crew ng isang hindi pinangalanang deep sea tuna fishing vessel.
Lulan ng barko ang 52 crew na kinabibilangan ng 19 na Pinoy, 15 Vietnamese, 15 Indonesian at tatlong Taiwanese.
Nangingisda ang barko sa 265 nautical miles ang layo sa Northern Pacific sa bahagi ng eastern Taiwan nang magsimula ang kaguluhan sa pagitan ng mga Vietnamese at mga PIlipinong tripulante.
Anim sa mga nasangkot sa gulo ang narakanas ng pagkalapnos ng balat matapos buhusan ng kumukulong tubig.
Dalawang Pinoy naman ang binuhusan ng arsenic, isang uri ng nakalalasong kemikal na naging dahilan ng pagkamatay ng mga ito.
Sa kasalukuyan, nakadaong na ang barko sa Kaohshiung Taiwan.
Ayon sa mga otoridad, dumaan na sa otopsiya ang labi ng dalawang Pinoy nitong November 9 samantalang ang dalawa pang sugatan ay nananatili sa pagamutan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.