Imelda Marcos hindi immune sa pag-aresto — Malacañan
Tiniyak ng Palasyo ng Malacañan na hindi immune sa pag-aresto si dating First Lady at ngayo’y Ilocos Norte 2nd District Representaive Imelda Marcos.
Ito ay kung maglalabas na ang arrest warrant ang Sandiganbayan 5th Division laban kay Marcos dahil sa pitong counts ng graft kaugnay sa USD200 milyon sa Swiss foundation.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang pumipigil sa Philippine National Police (PNP) na gampanan ang tungkulin na arestuhin si Marcos kapag naglabas na ng arrest warrant ang korte.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte pa aniya ang mag-uutos sa PNP na gawin ang kanilang trabaho.
Kasabay nito, ayaw na munang pangunahan ni Panelo kung bibigyan ng pardon ng pangulo si Marcos.
Diskarte na aniya ng pangulo kung ano ang magiging pasya nito sa dating Unang Ginang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.