Christmas Display of Lights ng Muntinlupa, binuksan na

By Alvin Barcelona November 16, 2018 - 12:57 AM

Pinangunahan ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ang Christmas lighting ceremony ng lungsod nitong Huwebes sa city quadrangle.

Ayon kay Fresnedi, hudyat ito ng pagsisimula ng Kapaskuhan sa lungsod.

Mahigit na kalahating milyong makukulay na bumbilya at tatlong libong mga parol ang nagbigay liwanag sa quadrangle ng Muntinlupa City Hall.

Bumida sa lighting ceremony ang 35 talampakan na Christmas tree na pinakamataas sa kasaysayan ng taunang event.

Ayon sa alkalde, isa rin itong pasasalamat sa mga kababayan niyang patuloy na sumusuporta sa kanilang mga programa.

Tema ngayong taon ay white Christmas at festival of stars na sumisimbolo sa patuloy na paglago at pag-unlad ng lungsod.

Kasabay nito, nagbigay ligaya din ang lungsod nang magbigay ito ng regalo sa mga bata.

At para pasayahin ang mga dumalo, kumanta ng mga Christmas carol ng mga miyembro ng Himig Muntinlupa choir at ng Music Voices na silang nagkampeon sa 2018 Inter-School Chorale Competition.

Pinasalamatan din ni mayor fresnedi ang lahat ng tumulong para maging matagumpay ang lighting ceremony.

Inaanyayahan ng alkalde ang lahat na bisitahin ang ipinagmamalaki nitong Muntinlupa Display of Llights na bukas sa publiko araw-araw mula 6:00 hanggang 10:00 ng gabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.