Public viewing para sa Balangiga bells inihahanda na

By Rhommel Balasbas November 16, 2018 - 02:14 AM

Kabilang sa pinaghahandaan ng St. Lawrence the Martyr Parish o ang Balangiga Parish ay ang public viewing para sa pagbabalik ng makasaysayang Balangiga bells.

Sa panayam ng CBCP News kay Fr. Serafin Tybaco Jr., parish priest, isinasapinal na nila ang mga plano para sa pagbabalik ng mga kampana.

Partikular na kanilang inihahanda ang lugar na paglalagyan ng bells.

Ayon kay Fr. Tybaco, pinaka-inaalala nila sa ngayon ang seguridad ng lugar dahil hindi pa nila anya kumuha ng mga guards para bantayan ito.

Sinabi ng pari na ikinakasa rin nila ang public viewing para sa Balangiga bells na tatagal ng ilang araw bago nila ilagay ang mga ito sa belfry o sa isang musem.

Iginiit din ng kura paroko na nasasabik na ang mga residente at mananampalataya sa pagbabalik ng mga ito.

Batay anya sa unang impormasyon na kanilang nasagap ay posibleng kahit anong araw sa Disyembre o sa unang bahagi ng 2019 ay darating na ang Balangiga bells.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.