Asawa ng dating Malaysian PM sinampahan ng kasong kurapsyon

By Justinne Punsalang November 16, 2018 - 03:09 AM

AP

Kinasuhan ng dalawang counts ng kurapsyon ang asawa ng dating prime minister ng Malaysia dahil sa pagtanggap ng suhol mula sa isang kumpanyang nag-apply para sa isang proyekto ng pamahalaan.

Gayumpaman, ‘not guilty’ ang plead ni Rosmah Mansor, asawa ni dating Malaysian PM Najib Razak.

Sinasabing tumanggap ng kabuuang 189 million ringgit o USD45.12 milyon si Mansor para sa solar project sa mga paaralan sa Sarawak, Malaysia.

Ang naturang mga kaso ay hiwalay pa sa 17 money laundering kases na nakasampa rin laban kay Mansor.

Samantala, 38 counts ng graft o katiwalian naman ang ikinaso laban kay Najib.

Ang mga ito ay may kaugnayan naman sa 1Malaysian Development Berhad (1MDB) scandal na iniimbestigahan na ng anim na mga bansa.

Sinasabing nilimas ng mag-asawa ang nasa USD4.5 bilyon mula sa naturang pondo, at USD700 milyon dito ay inilagay sa personal bank account ni Najib.

Kapwa ‘not guilty’ ang plead ng mag-asawa sa mga aegasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.