P10B pondo ilalaan ng gobyerno para sa agrikultura
Maglalaan ng P10 bilyong pondo kada taon ang pamahalaan para sa iba’t ibang mga programa sa agrikultura.
Ito ang tiniyak ni Senate Committee on Agriculture and Food chairman, Senador Cynthia Villar nang magsalita ito sa ika-apat na Farmers’ Congress na ginanap sa Palayan City, Nueva Ecija.
Ayon kay Villar, ang naturang pondo ay agad ipamamahagi kapag nalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Competitiveness Enhancement Fund sa susunod na taon.
Aniya, kalahati ng naturang pondo ay partikular na ilalaan para sa farm mechanization.
Hinimok naman ng senadora ang mga magsasaka na huwag tumigil sa kanilang trabaho sa mga palayan dahil malaki ang tulong ng mga ito sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.