Pilipinas hindi isusuko kahit katiting na teritoryo para sa China – DFA
Iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi mamimigay si Pangulong Rodrigo Duterte kahit gabutil na bahagi ng teritoryo ng bansa.
Ito ay matapos aminin ni Duterte na mistulang inaangkin na ng China ang ilan sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Sa isang press briefing sa Singapore, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na hindi isusuko ng Pilipinas sa China ang territorial claims ng bansa sa West Philippine Sea.
Giit ni Locsin, kahit noon ambassador siya ng bansa sa United Nations ay inihahayag niya nang hindi isusuko ng Pilipinas ang soberanya nito.
Inaangkin ng China ang buong South China Sea kabilang ang mga bahagi ng West Philippine Sea.
Ito ay sa kabila ng desisyon ng arbitral tribunal noong July 2016 na ang Pilipinas ang may karapatan sa mga inaangkin nitong isla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.