Pag-ambush sa mayor at vice mayor sa La Union, kinondena ng Malacañan

By Chona Yu November 15, 2018 - 02:00 AM

Mariing kinondena ng Palasyo ng Malacañan ang pananambang sa mayor at vice mayor ng Balaoan, La Union.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nakikiramay ang Malacañan sa pamilyang naiwan ni Vice Mayor Alfred Concepcion at sa aide nito na si Michael Ulep.

Sa naturang pananambang, nakaligtas ang anak ni Concepcion na si Mayor Aleli Concepcion at ang mga aide na sina Roderick Urpiano, Ronniel Valdez, Joey Lope, Dominador Bautista, at Roberto Octavo.

Ayon kay Panelo, hangad ng Palasyo ang maagap na paggaling ni Mayor Aleli na nagtamo ng sugat sa katawan.

Sinabi pa ni Panelo na may ginagawa nang imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) para matukoy ang mga suspek sa pananambang.

Tinyak pa ni Panelo na bibigyan ng hustisya ang mga biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.