Duterte no-show sa working lunch sa Asean Summit

By Chona Yu November 14, 2018 - 04:34 PM

Malacañang photo

Hindi dumalo si pangulong rodrigo duterte sa working lunch sa Asean summit na ginaganap ngayon sa Singapore.

Sa halip, si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. ang nagsilbing kinatawan ng pangulo.

Mismong si Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong ang nagsilbing host sa working lunch.

Wala namang rason na inilalabas ang palasyo sa hindi pagsipot ng pangulo sa working lunch.

Una rito, hindi rin dumalo ang pangulo sa Asean-Australia informal breakfast summit at Asean- Republic of Korea Summit.

Gayunman, dumalo ang pangulo sa 3rd Asean-Russian Summit na ginanap kaninang alas dos ng hapon at Asean -China Summit na ginanap kaninang 9:30 ng umaga.

Matatandaang makailang beses nang ibinibida ni Pangulong Duterte na matalik na kaibigan na ang kanyang turing kina Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin.

 

 

 

TAGS: Asean summit, China, duterte, Russia, singapore, working lunch, Asean summit, China, duterte, Russia, singapore, working lunch

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.