LOOK: P34M evacuation center sa Sta. Rosa, Laguna, pinasinayaan ng DPWH

By Rhommel Balasbas November 14, 2018 - 04:04 AM

DPWH

Natapos na ng Department of Public Works and Highways ang konstruksyon sa P34 milyong evacuation facility sa Brgy. Tagapo, Sta. Rosa, Laguna.

Sa isang press release, sinabi ni DPWH Sec. Mark Villar na sa panahon ng sakuna ay kayang mag-accommodate ng bagong evacuation center ng aabot sa 33 pamilya o 132 katao.

Mahalaga anya ang pasilidad para sa kaligtasan ng mga mamamayan ng Sta. Rosa.

Ani Villar, nabuo ang evacuation center sa pagtutulungan ng DPWH, National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) lokal na pamahalaan at iba pang concerned agencies.

Ang lugar na pinagtayuan anya ng pasilidad ay sinertipikahan ng Department of Environment and Natural Resources na ligtas sa pagbaha at pagguho ng lupa.

Mayroong lugar para sa lutuan, dining, dishwashing, prayer room, breastfeeding, storage area, lobby at sariling toilets ang naturang evacuation center.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.