Peace talks sa pagitang GRP at NDFP pinabubuhay ni Anakpawis Rep. Casilao
Hinimok ni Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao ang administrasyon na muling buhayin ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines.
Ayon kay Casilao, ang lumalalang krisis sa bansa partikular na ang kawalan ng lupain ng mga mahihirap ay hindi madadaan sa military solution.
Naniniwala ang kongresista na mareresolba lamang ang ugat ng problema ng insurgency sa bansa sa pamamagitan ng mga social reforms na nakapaloob na sa usaping pangkapayapaan tulad ng Comprehensive Agreement on Socio Economic Reforms (CASER).
Nanawagan ang mambabatas sa pamahalaan na magpakita din ng ‘good faith’ sa pamamagitan ng pagpapalaya sa mga NDFP Consultants na naging kabahagi ng peace process at tumulong na bumalangkas sa mga kasunduang nakapaloob sa peace talks.
Hinimok din ng kongresista na igalang ng pamahalaan ang mga kasunduan para sa proteksyon ng dalawang panig sa ilalim ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantee (JASIG) at ang Comprehensive Agreement on Human Rights and the International Humanitarian Law (CAHRIHL).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.