Tax amnesty sa ilalim ng TRAIN law lusot na sa komite sa Kamara

By Erwin Aguilon November 13, 2018 - 10:54 AM

Pasado na sa House Ways and Means Committee ang panukalang paggagawad ng tax amnesty sa ilalim ng TRAIN Law.

Sa ilalim ng inaprubahang panukala, nakasaad na bibigyan ng tax amnesty ang mga hindi nakapagbayad ng buwis noong taong 2017 at mga nauna pang taon.

Ang taxpayer na gustong makakuha ng amnestiya ay dapat na magbayad ng 8% ng kanilang net worth sa taong 2017.

Ginagawa na ring simple ang pagpapataw ng buwis sa layuning iwasan ang katiwalian at mapalakas ang koleksiyon sa pamamagitan ng pagpapalawak ng taxpayer base.

Samantala, inaprubahan na rin ng ways and means ang committee ang fiscal mining regime na nalalatag ng mekanismo para matiyak na makukuha ng gobyerno ang patas na buwis sa kita mula sa pagmimina.

TAGS: House of Representatives, tax amnestiy, train law, House of Representatives, tax amnestiy, train law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.