Pagbabalik sa bansa ng Balangiga bells welcome sa Malakanyang
Welcome sa malakanyang ang ulat na magsisimula nang maglakbay ang Balangiga bells mula Wyoming sa amerika pabalik ng Pilipinas.
Pero ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, iiwasan na muna ng Palasyo na magbigay ng karagdagang komento dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na rin ang nagsabi na hindi pa maituturing na naibalik na ang Balangiga bells hanggang hindi nakararating sa bansa ang pinakahuling piraso nito.
Dagdag pa ni Panelo na sa ikalawang State of the Nation Address, sinabi ng pangulo na nais niyang maibalik sa bansa ang Balangiga bells dahil simbolo ito ng kabayanihan ng mga Filipino.
Ang Balangiga bells ay ang tatlong church bells na kinuha ng United States Army sa simbahan ng Balangiga Eastern Samar 1901 bilang war trophies sa Philippine American War.
Isa sa mga church bells ay nasa South Korea habang ang dalawa ay nasa 11th infantry regiment sa F.E. Warren AiF force Base sa Wyoming sa Amerika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.