Ban sa diesel cars sa malaking bahagi ng Paris, ipatutupad sa susunod na taon
By Dona Dominguez-Cargullo November 13, 2018 - 06:35 AM
Ipatutupad na simula sa susunod na taon ang ban sa diesel cars sa malaking bahagi ng Paris.
Ayon sa pahayag ng mga otoridad, isinusulong ang pag-ban sa diesel cars na ang rehistro ay mula Dec. 31, 2000.
Ipatutupad ang ban sa mga second ring road sa Paris at sa 79 na munisipalidad.
Ito ay upang maibsan ang paglala ng polusyon sa naturang lugar.
Sa taong 2030 target na maging dominante sa mga lansangan ng Paris ang mga electric o hydrogen-fueled cars.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.