Rollback sa pasahe sa bus at jeep iginiit ng isang mambabatas
Kasunod ng pagbaba ng presyo ng langis sa world market, iginiit ni House Deputy Minority Leader Harlin Neil Abayon ang pagkakaroon ng rollback sa pamasahe sa bus at jeep,
Ayon kay Abayon, kailangang ibalik na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa P8 ang singil sa pamasahe dahil malaki naman na ang nabawas sa presyo ng krudo.
Kailangan aniyang magpatupad ng urgent rollback upang agad itong mapakinabangan ng mga commuters at makatulong sa tumataas na gastusin sa bansa.
Wala na aniyang economic at legal basis para sa kasalukuyang public transport fares.
Pinagco-convene ng mambabatas ang LTFRB para agad na ibalik sa P8 ang pamasahe sa jeep sa unang apat na kilometro.
Hinikayat din ng kongresista na sumunod ang LTFRB sa ‘parametric formula’ ni Transportation Secretary Arthur Tugade kung saan otomatikong ma-a-adjust ang public utility vehicle (PUV) fares na hindi na kinakailangan ang fare hike o rollback petition at ibabase ang fare adjustment sa inflation at paggalaw ng presyo ng langis at krudo sa world market.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.