P500 food voucher para sa minimum wage earners itinutulak ng isang labor group
Humirit ang isang labor group kay Pangulong Rodrigo Duterte na aprubahan na ang buwanang food subsidy o food voucher na may halagang P500 para sa halos apat na milyong manggagawa na minimum lamang ang sweldo para makaagapay sila sa mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Ayon sa Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), hindi pa rin sapat ang average daily minimum wage na P232 sa buong bansa sa kabila ng umento sa sweldo ng minimum wage earners sa National Capital Region (NCR) at Region 3 at 4.
Ang inaksyunan lang aniya ng wage boards ay ang kakayahan ng mga employers at negosyante na magbigay ng salary adjustment na P36 mula P32 kada araw sa buong bansa.
Ang halaga aniya ay masyadong maliit sa mga manggagawa na nakatulong para lumago ang mga negosyo at ang ekonomiya ng bansa.
Mula noong Enero, naglabas ang wage boards ng adjusted minimum wage rates sa bawat rehiyon liban sa Caraga.
April 2017 pa ay nagsumite na ang grupo sa pangulo ng panukala na bigyan ang bawat isang kumikita ng minimum na sahod ng food voucher na P500 kada buwan.
Ang panukala ay inindorso ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pangulo nitong Hunyo pero ibinaba sa P200 ang halaga ng food voucher at hanggang ngayon ay hindi pa naaprubahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.