Pangilinan kay Duterte: ‘Wag siyang insultuhin at mag-focus sa sindikato ng droga sa bansa
Binuweltahan ni Senador Francis Pangilinan si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagtawag sa kanya na “most stupid” na abogado dahil sa akda niyang Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.
Sa ilalim ng Pangilinan Law, exempted ang menor de edad na 15 anyos pababa sa criminal liability na ayon sa pangulo ay nagbigay-daan sa mga batang lumabag sa batas na makalusot sa kaso anuman ang bigat ng ginawa nito.
Pero ayon kay Pangilinan, ang dapat tugunan ng pangulo ay ang mga problema sa bansa imbes na insultuhin siya.
Mas mabuti aniyang mag-focus ang gobyerno na pababain ang presyo ng mga bilihin at tugisin ang big time drug syndicates sa Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Unang sinabi ng pangulo na lumala ang crime situation sa bansa at nagsimula aniya ito dahil sa ginawang batas ni Pangilinan.
Samantala, naghain naman na si Senate President Tito Sotto ng Senate Bill No. 2026 na layong amyendahan ang umiiral na batas at ibaba ang edad ng criminal liability sa 12 anyos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.