US navy aircraft bumagsak sa Philippine Sea

By Den Macaranas November 12, 2018 - 03:03 PM

(U.S. Navy photo by Mass Communication Specialist 3rd Class MacAdam Kane Weissman)

Isang US Navy aircraft ang nag-crash sa karagatang bahagi ng bansa ayon sa ulat ng Pentagon.

Sinasabi sa report na nagkaroon ng mechanical problem ang isang Carrier AirWing (CVW) 5 F/A-18 fighter plane ng US Navy kaya napilitan ang piloto nito na mag-eject mula sa nasabing eroplano.

Mabilis namang nailigtas ng mga crew ng USS Ronald Reagan (CVN 76) ang dalawang piloto ng eroplano na ngayon ay nasa ligtas na ring kalagayan.

Ang bumagsak na fighter jet ay nagtake-off mula USS Ronald Reagan at bahagi ng US 7th fleet area of operations na kabilang sa mga nagbibigay ng seguridad sa Indo-Pacific region.

Nakabase ang US 7th fleet sa Okinawa, Japan.

Hindi pa malinaw ang misyon ng bumagsak na US aircraft maliban sa ulat na nasa “routine mission” ang nasabing F/A-18 jet nang ito ay magkaroon ng mechanical problem.

Sa ulat naman ng Japanese Coast Guard ay kanilang sinabi na nangyari ang insidente sa layong 300 kilometro Timog-Silagan ng Kitadaitojima Island na bahagi ng Okinawa Prefecture.

Noong nakaraang buwan lamang ay isang AM-60 Seahawk helicopter ang nag-crash sa deck ng  USS Ronald Reagan deck, samantalang noong Hunyo at isang F-15 fighter jet naman ang bumagsak sa karagatang bahagi ng Okinawa.

Walang naiulat na mga namatay sa nasabing mga insidente.

TAGS: Crash, fa-18, Japan, Pentagon, philippine sea, US navy, Crash, fa-18, Japan, Pentagon, philippine sea, US navy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub