“Problema sa MRT aabutin pa ng hanggang May 2016”. – DOTC

By Chona Yu November 09, 2015 - 03:58 PM

MRT3
Inquirer file photo

“Konting tiis pa”.

Ito ang naging apela ng Department of Transportation and Communications sa mga pasaherong sumasakay at nakikipagsiksikan sa Metro Rail Transit 3 (MRT3).

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services, inamin ni DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya na tatagal pa hanggang sa second quarter ng taon ang kalbaryo ng mga pasahero.

Posibleng sa buwan pa ng Mayo o Hunyo makukumpleto ang procurement ng mga bagong bagon ng MRT.

Ngayong Disyembre darating aniya ang apatnapu’t walong bagon o labing-anim na tren pero hindi pa ito mapapakinabangan dahil hihintayin pa ang mga makina nito.

Ayon kay Abaya, magkaiba kasi ang procurement ng tren at makina na gagamitin para sa buong sistema ng MRT 3.

Matatagalan rin ang pagkukumpuni sa mga riles dahil kailangan pa raw suriin ang mga programa para sa mga riles.

Ipinaliwanag naman ni MRT General Manager Roman Buenafe na nasa depot na nila ang ipapalit na riles at accessory sa may pitong libong metro ng MRT 3 pero kailangan pa raw itong suriin ng Department of Science and Technology.

TAGS: 2016, DOTC, MRT, 2016, DOTC, MRT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.