Kahit bumababa na ang presyo ng produktong petrolyo, rekomendasyong suspendihin ang excise tax gasolina at diesel, tuloy ayon sa DOF

By Dona Dominguez-Cargullo November 12, 2018 - 09:37 AM

Hinihintay pa ng Department of Finance (DOF) ang magiging pasya ng Malakanyang sa rekomendasyon nilang suspendihin ang pagpapatupad ng panibagong excise tax sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na taon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Finance Asst. Secretary Tony Lambino, sa ilalim ng rekomendasyon, ipinanukala ng DOF kay Pangulong Duterte na huwag na lang munang ipatupad ang P2 kada litro ng excise tax sa diesel at gasolina sa Enero.

May probisyon kasi sa TRAIN law na pwedeng suspindehin ang pagpapatupad ng ikalawang bahagi ng excise tax kapag lumagpas ng 80 dollars sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan ang presyo ng Dubai crude oil.

Pero ayon kay Lambino, kahit bumababa na ang presyo ng Dubai crude oil, tuloy ang rekomendasyon nila na suspindehin ang excise tax.

Ang Office of the President na lamang aniya ang magpapasya kung ipatutupad ang suspensyon.

Samantala, kung mayroong probisyon sa TRAIN law sa suspensyon ng excise tax sa oil products ay wala namang probisyon na nagsasaad sa pag-alis ng suspensyon kung bababa ang halaga ng produktong petrolyo.

Dahil dito, sinabi ni Lambino na pag-aaralan pa ng DOF kung ano ang maaring gawin hinggil sa usaping ito.

TAGS: Department of Finance, dubai crude oil, oil price, Radyo Inquirer, Department of Finance, dubai crude oil, oil price, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.