Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa maraming lugar sa Mindanao
Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa mas marami pang lugar sa Mindanao.
Sa 8:00AM advisory ng PAGASA, yellow warning level ang umiiral sa sumusunod na lugar dahil sa trough ng Low Pressure Area (LPA):
– Camiguin
– Surigao Del Norte (Claver, Gigaquit, Bacuag, Socorro Island, Siargao Island)
– Surigao Del Sur
– Agusan Del Norte
– Agusan Del Sur
– Misamis Oriental (Gingoog City, Magsaysay)
– Bukidnon
– Davao Oriental
– Davao Del Norte
– Compostela Valley
Ayon sa PAGASA, ang mga nabanggit na lugar ay nakararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan na maaring magdulot ng pagbaha sa mabababang lugar at landslides sa mga bulubunduking lugar.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga apektadong residente na mag-antabay sa susunod na abiso ng weather bureau na ilalabas mamayang alas 11:00 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.