I-ACT enforcers ng DOTr sumalang sa seminar para paigtingin ang kampanya laban sa kolorum sa PITX

By Ricky Brozas November 12, 2018 - 08:10 AM

DOTr Photo

Pinangunahan ni DOTr Usec for Road Transport Mark De Leon ngayong umaga ang pagsasagawa ng Traffic Management and operations briefing sa mga enforcer ng Inter-Agency Council on Traffic o I-ACT sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Matapos ang briefing ay kaagad nagpatupad ng pinaigting na anti-colorum operations ang I-ACT enforcers sa bisinidad ng PITX para masiguro na walang kolorum o mga out of line na Public Utility vehicles ang dadaan sa lugar.

Matatandaang noong ika-10 ng Nobyembre 2018, ganap nang nagsimula ang operasyon ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Ito ang kauna-unahang integrated at multi-modal terminal sa bansa.

Alinsunod sa Department Order (DO) No. 2018-025 at LTFRB Memorandum Circular 2018-020, ang mga sumusunod na ruta ng mga pampublikong sasakyan mula Cavite at Batangas ay kailangang magtapos sa PITX:

1. Naic
2. Ternate
3. Maragondon
4. Tanza
5. Amadeo
6. Mendez
7. Tagaytay
8. Alfonso
9. Magallanes
10. Trece
11. Indang
12. GMA
13. Balayan
14. Calatagan
15. Nasugbu

Alisunod pa rin sa DO, lahat ng mga rutang binago mula provincial operations patungong Baclaran ay kailangang magtapos sa PITX.

Samantala, ang mga sumusunod na commuter routes naman na nag-ooperate sa Greater Metro Manila Area mula Cavite ay kailangang dumaan sa PITX, pero hindi kailangang mag-terminate doon:

1. Dasmarinas
2. Cavite City
3. Bacoor
4. Silang
5. Gen. Trias
6. Imus
7. Kawit
8. Noveleta

Ito ay upang maging direkta na ang biyahe ng mga commuter na araw-araw na nagko-commute papasok at palabas ng Metro Manila.

TAGS: dotr, i-act, pitx, Radyo Inquirer, dotr, i-act, pitx, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.