200 undocumented Filipinos mula UAE uuwi ng bansa ngayong araw
Nakatakdang umuwi ng Pilipinas ngayong araw ang 200 undocumented Filipinos mula sa United Arab Emirates (UAE) ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa DFA ang mga ito ay nag-avail ng amnesty program ng UAE na nagsimula noong Agosto.
Darating ang repatriates sakay ng eroplano ng Philippine Airlines.
Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Elmer Cato na aabot na sa 2,481 overseas Filipino workers (OFWs) ang nakauwi sa bansa dahil sa amnesty program.
Pinalawig na ng gobyerno ng UAE ang amnesty program hanggang sa December 1.
Samantala, may tulong pinansyal ang mga OFWs mula sa gobyerno sa pagbalik sa bansa at sinagot din ang kanilang airfare maging ang immigration penalty fees.
Muli namang hinikayat ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi at ng Consulate General sa Dubai ang mga undocumented Filipinos na mag-avail ng naturang programa bago ito matapos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.