Year of the Youth pasisinayaan ng CBCP sa December 2

By Rhommel Balasbas November 12, 2018 - 03:21 AM

CBCP

Matapos ang matagumpay na pagdiriwang sa Year of the Clergy and Consecrated Persons, ay bubuksan na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang Year of the Youth sa December 2.

Ang pagbubukas sa Year of the Youth ay kasabay ng Unang Linggo ng Adbiyento.

Ayon sa Pastoral Exhortation ng CBCP, ito na ang ikaanim sa siyam na taong paghahanda para sa taong 2021 kung kailan ipagdiriwang ang ika-500 taong anibersaryo ng Kristiyanismo sa bansa.

Sa pagpapasinaya sa Year of the Youth, hinimok ng CBCP-Episcopal Commission on the Clergy ang kaparian at mga relihiyoso na gabayan at bigyan ng inspirasyon ang mga kabataan sa pagtupad sa kanilang misyon.

Naghanda na ang iba’t ibang diyosesis sa bansa kung saan magkakaroon ng magkakahiwalay na local opening sa Year of the Youth.

Sa Archdiocese of Manila, pasisinayaan ito mula alas-4:00 ng Sabado, December 1 hanggang alas-6:00 ng umaga sa Our Lady of Guadalupe Minor Seminary.

Ang mga kabataang edad 12 pataas ay maaaring dumalo at kailangan lamang magpre-register.

Samantala, naglabas ang CBCP ng isang closing prayer para sa Year of the Clergy and Consecrated Persons na magaganap sa November 25, Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari.

Hinikayat ang lahat ng parokya na basahin ito sa lahat ng Misa.

Sa naturang panalangin ay hinihingi ang gabay ng Diyos para sa mga pari at nasa buhay Konsegrada na maipagpatuloy ang kababaang-loob sa pagpapahayag ng Mabuting Balita.

Hinihiling din na maitaguyod ang Kabataang Filipino at masamahan sa kanilang misyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.