Basura mula sa SoKor pinababalik ng isang environmental group
Gusto ng EcoWaste Coalistion na ibalik ng Pilipinas sa South Korea ang tone-toneladang plastic waste na dinala sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni EcoWaste national coordinator Aileen Lucero na hindi katanggap-tangap ang naturang insidente.
Aniya, bakit tinatanggap ng Pilipinas ang basura ng ibang bansa, gayung hindi natin masolusyunan ang sarili nating mga basura na palutang-lutang sa ating mga dagat.
Ayon pa sa grupo, oras na upang itigil na ng gobyerno ang ‘garbage imports’ at i-demand sa mga mayayamang bansa, maging sa mga manufacturers ng plastic na akuin ang responsibilidad sa kanilang mga plastic byproducts.
Dagdag pa ng EcoWaste, hanggang sa ngayon hindi pa rin nasosolusyunan ng pamahalaan ang naunang basurang mula sa Canada noong 2013.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.