DOJ, hinamon ni Villar na patunayan nito na kaya nitong manalo sa kaso laban sa mga sangkot sa rice smuggling

By Rod Lagusad November 11, 2018 - 09:35 AM

Hinamon ni Sen. Cynthia Villar ang Department of Justice (DOJ) na kaya nitong maipanalo ang mga kaso laban sa mga taong sangkot sa rice smuggling.

Ayon kay Villar, ngayon na ang pagkakataon ng kagawaran na mapanagot sa batas ang mga may kinalaman sa pag-smuggle ng bigad at pagmamanipula ng presyo ng mga ito.

Ang pahayag ni Villar ay kasunod ng pagkakaroon ng probable cause laban kay David Bangayan at lima pang mga indibidwal.

Ang mga ito ay inaakusahan na bahagi ng mga rice cartel na gumamit ng mga dummy para mapataas ang presyo o halaga ng bigas sa mga pamilihan.

Naniniwala si Villar na malakas ang kaso laban kina Bangayan pero hindi siya lubusang magpapakampante dahil sa mayaman na mga tao ang mga kinasuhan.

Si Villar ang siyang chair ng Senate Committee on Agriculture.

TAGS: cynthia villar, David Bangayan, DOJ, rice smuggling, cynthia villar, David Bangayan, DOJ, rice smuggling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.