Hatol kay Imelda Marcos, patunay na walang nakakataas sa batas – Bp. Santos

By Rhommel Balasbas November 11, 2018 - 05:31 AM

Ang hatol ng Sandiganbayan na guilty si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos sa kasong graft ay patunay lamang na walang sinuman ang nakakataas sa batas ayon kay Bataan Bishop Ruperto Santos.

Sa isang panayam, sinabi ng obispo na bagaman natagalan bago ibaba ang hatol, ang mahalaga ay naisilbi ang batas.

Wala rin anyang makatatakas sa batas lalo na sa batas ng Diyos.

Iginiit naman ni Santos na dapat ibalik ang mga nanakaw at ang mga naghirap dahil sa katiwalian ay mabigyan dapat ng kabayaran.

Nagpaalala rin ang obispo sa mga pulitiko na ang pangunahing trabaho ng mga ito ay pagsilbihan ang mga mamamayan at hindi ang magnakaw.

Anya, gamitin dapat ang kapangyarihan upang makatulong, makapagsilbi, at makapagkawanggawa.

Sinabi naman ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity Chairman at Manila Auxiliary Bishop na ang hatol kay Marcos ay dapat na maging aral para sa lahat ng nasa public office at gustong magsilbi sa bayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.