Imelda Marcos pwedeng hindi makulong – Rep. Batocabe

By Rhommel Balasbas November 11, 2018 - 03:21 AM

Posibleng hindi makulong si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos sa kabila ng hatol ng Sandiganbayan na guilty ito sa pitong bilang ng graft.

Ayon kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, maaaring igiit ng mga abogado ng dating Unang Ginang ang humanitarian reasons para mailigtas ito sa pagkakakulong.

Ito anya ay dahil sa matanda na si Marcos at mahina na ang lagay ng kalusugan nito.

Sa ngayon ay 89 anyos na si Marcos at nahaharap sa posibleng 77 taong pagkakakulong.

Samantala, sinabi ni 1-Ang Edukasyon Partylist Rep. Salvador Belaro na maaaring ipagpatuloy ni Marcos ang paninilbihan bilang kongresista dahil hindi pa naman final and executory ang desisyon ng Sandiganbayan.

Nakatakdang maghain ng Motion for Reconsideration ang kampo ng asawa ng dating diktador para mapabaliktad ang desisyon ng anti-graft court.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.