UAAP: UP May tyansa pa sa final four matapos talunin ang UST
Buhay pa ang tyansa ng University of the Philippines (UP) na makapasok sa final four ng UAAP Season 81 men’s basketball tournament matapos talunin ang University of Santo Tomas (UST) sa kanilang laban kahapon sa iskor na 83-69.
Tinanggalan na ng Fighting Maroons ang Growling Tigers nang pagkakataon na makapasok sa semis.
Sinamantala ng UP ang pagkakatanggal ni rookie star CJ Cansino sa laro matapos magtamo ng injury.
Lamang pa ang UST sa kalagitnaan ng second quarter sa iskor na 34-26 bago tuluyang matanggal si Cansino sa natitirang 5:57 sa first half.
Dahil dito nagpasiklab ang Fighting Maroons sa 22-4 run sa second at third quarters at tuluyan nang nanguna sa iskor na 48-38.
Ayaw naman magpakampante ni UP head coach Bo Parasol dahil kailangan pa nitong talunin ang De La Salle University at may tyansa pa rin ang Far Eastern University sa top 4.
Nanguna para sa UP si Bright Akhuetie sa kanyang 25 points at 18 rebounds.
Pinangunahan naman ni Marvin Lee ang UST sa kanyang 26 points.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.