Magkakasunod na pagyanig naitala sa Davao Oriental at Occidental Mindoro

By Rhommel Balasbas November 11, 2018 - 12:53 AM

Niyanig ng tatlong halos magkakasunod na lindol ang Davao Oriental at Occidental Mindoro hatinggabi ng Linggo.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ng isang magnitude 3.0 na lindol sa Cateel, Davao Oriental alas-12:01 ng hatinggabi.

Ang episentro nito ay sa layong 19 na kilometro Timog-Kanluran ng Cateel at may lalim na siyam na kilometro.

Alas-12:19 naman nang tumama ang isang magnitude 3.3 na lindol sa Looc, Occidental Mindoro.

Ang episentro ay sa layong 31 kilometro Timog-Kanluran ng Looc at may lalim na 24 kilometro.

Muli namang niyanig ng lindol ang Davao Oriental ganap na alas-12:27.

May lakas itong magnitude 3.5 at ang episentro ay sa layong 25 kilometro Hilagang-Silangan ng Governor Generoso.

May lalim itong 25 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng naturang mga lindol na hindi naman nakapagtala ng aftershocks.

Wala ring pinsala sa mga ari-arian na dulot nito.

TAGS: davao oriental, earthquake, Occidental Mindoro, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, davao oriental, earthquake, Occidental Mindoro, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.