Nakapatay sa isang Pinoy na mag-anak sa US nahaharap sa patong-patong na kaso

By Jimmy Tamayo November 10, 2018 - 12:30 PM

Contributed photo

Patong-patong na kaso ang kinakaharap ng motorista na nakapatay sa isang Filipino at apat niyang anak sa banggaan ng sasakyan sa New Castle County sa Delaware noong Hulyo.

Kinasuhan ng five counts ng second-degree vehicular homicide at three counts ng vehicular assault si Alvin Hubbard, 44-year-old, na hindi pa rin naaresto sa ngayon.

Nahaharap din si Hubbard ng kasong inattentive driving, driving accross a median at traffic disobedience.

Nasawi sa trahedya ang 61-year old na postal service worker na si Audie Trinidad, maging ang mga anak nitong sina Kaitlyn, 20, Danna, 17, at ang 13 anyos na kambal na sina Allison at Melissa.

Nakaligtas naman ang misis ni Trinidad na si Mary Rose Ballocanag.

Sakay ang pamilya ng isang mini van nang banggain ng pick-up truck na minamaneho ni Hubbard sa State Route 1 Highway sa Townsend

Si Hubbard ay inilagay sa kustodiya ng Delaware police matapos ang insidente pero pinakawalan din ito at hindi pa naaaresto sa ngayon.

TAGS: alvin hubbard, ballocanag, delaware, townsend, Trinidad, alvin hubbard, ballocanag, delaware, townsend, Trinidad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.