Pinay OFW na naialis sa death row sa UAE, binigyan ng tulong pinansyal ng gobyerno
Nakatanggap ng P100,000 financial assistance mula sa gobyerno ang Pinay overseas Filipino worker (OFW) na si Jennifer Dalquez ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Si Dalquez ay ang migrant worker na nakapatay sa kanyang abusadong empleyado ngunit nailigtas sa death row sa United Arab Emirates (UAE).
Personal na iniabot ni Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella ang cash aid kay Dalquez.
Lubos ang pasasalamat ni Dalquez sa gobyerno sa mga tulong na ipinagkaloob sa kanya upang makapagsimula ng bagong buhay dito sa bansa.
Ani Dalquez, gagamitin niya ang pera para makapagsimula ng maliit na negosyo sa kanyang bayan sa General Santos City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.