LOOK: Iba’t ibang meme ng mga Pinoy sa Kamuning footbridge

By Isa Avendaño-Umali November 10, 2018 - 12:16 AM

FB Photo

Viral ngayon sa social media ang iba’t ibang meme sa kontrobersyal na footbridge ng Metro Manila Development Authority o MMDA sa Kamuning EDSA, sa Quezon City.

May ilang netizens, binansagan na ang footbridge bilang “Mount Kamuning” o kaya nama’y “stairway to heaven.”

May ilang pictures din ng naturang footbridge, photoshopped na at ginawang katatawanan.

May isang nilagyan ng imahe ng roller coaster… at mayroon ding may nagzizipline.

Sa isa pang litrato ng footbridge, may nilagay na ambulansya sakali raw na may mahimatay sa pag-akyat o pagbaba.

Sa post naman ni Jeremy Layson noon pang October 30, 2018, makikita ang larawan ng kanyang kaibigan na si Mercy Caba ng Yes to Adventures, ang unang Pilipina raw na nakaakyat sa Kamuning footbridge.

Hawak-hawak pa ni Caba ang bandila ng Pilipinas nang umakyat sila sa naturang footbridge na hindi pa tapos ang konstruksyon noong panahong kinunan ang litrato.

Sa ngayon ay umani na ito ng mahigit 15,000 likes.

Batay sa MMDA, ang footbridge sa Kamuning ay nagkakahalaga ng P10 million at nakatakdang magbukas sa publiko sa November 15, 2018.

Depensa ng ahensya, ang footbridge ay nasa isang accident prone area. Hindi rin daw ito para sa mga senior citizen at mga PWD.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.