40 distressed OFWs sa Germany at Poland nahatiran na ng tulong – DFA

By Len Motantaño November 09, 2018 - 07:52 PM

Nailigtas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 40 distressed Filipino truck drivers sa Germany at Poland mula sa mahirap nilang trabaho at pamumuhay.

Ayon sa DFA, ang mga Pinoy drivers ay binigyan ng pansamantalang bahay at pagkain ng mga mga tauhan ng embahada sa naturang mga bansa.

Hindi na idinetalye ng ahensya ang pinagdaanang hirap ng mga OFW sa kanilang trabaho sa Germany at Poland pero maaari umanong biktima ang mga ito ng human trafficking.

Dagdag ng ahensya, tinutulungan ng mga tauhan ng embahada sa Berlin at Warsaw ang mga Pinoy sa kanilang kondisyon.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang mga opisyal ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Geneva, Switzerland sa mga employers ng mga Pinoy truck drivers.

Una rito ay dalawamput-dalawang Pinoy truck drivers sa Denmark naman na nakaranas ng parehong kondisyon ang nailigtas din ng mga opisyal ng DFA.

TAGS: denmark, Germany, OFWs, denmark, Germany, OFWs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.