Guilty verdict ng Sandiganbayan hindi hadlang sa kandidatura ni dating First Lady Marcos sa 2019 elections
Kahit nahatulan sa pitong bilang ng kasong graft, pwedeng ituloy ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos ang pagtakbo niya sa 2019 elections.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec) hindi hadlang ang desisyon ng Sandiganbayan sa pagtakbo bilang gobernador ni Marcos.
Paliwanag ni Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi pa naman kasi pinal ang pasya sa kasong graft ng dating unang ginang.
Nananatili aniya ang karapatan ni Rep. Marcos na tumakbo sa posisyon sa gobyerno.
Sa desisyon ng Sandiganbayan 5th division, kabilang sa hatol ay ang pagbabawal na kay Marcos na humawak ng anumang pwesto sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.