Guilty verdict ng Sandiganbayan iaapela ni Rep. Imelda Marcos

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2018 - 05:03 PM

Maghahain ng apela ang kampo ni 2nd district Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos sa naging hatol ng Sandiganbayan sa kaniyang pitong bilang ng kasong graft.

Sa pahayag ng kampo ni Marcos, nakasaad na katatanggap lamang nila ng kopya ng desisyon ng 5th division ng Sandiganbayan.

Nataon naman umano na ang Attorney for Record ni Marcos na si Atty. Robert Sison ay naka-confine sa Asian Hospital.

Sinabi ni Marcos na pansamantala, si Justice Lolong Lazaro na dati na rin niyang legal counsel ang magsisilbi niyang abogado.

Pinag-aaralan na ngayon ni Lazaro ang desisyon ng Sandiganbayan at nakatakda itong maghain ng motion for reconsideration sa korte.

TAGS: graft, Motion for Reconsideration, Radyo Inquirer, Rep. Imelda Marcos, graft, Motion for Reconsideration, Radyo Inquirer, Rep. Imelda Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.