NDFP Consultant Vic Ladlad, isinailalim na sa inquest proceedings

By Isa Umali November 09, 2018 - 03:16 PM

Dinala sa Quezon City Prosecutor’s Office si NDFP Consultant Vicente “Vic” Ladlad para sa inquest proceedings sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Si Ladlad ay nakaposas nang dumating sa Quezon City Prosecutor’s Office, kasama ang kanyang misis.

Dumagsa rin ang mga supporter ni Ladlad sa tanggapan ng piskal, upang igiit ang pagpapalaya kay Ladlad.

Kanilang sigaw, imbento lamang ang kasong isinampa dito at malinaw na may tanim-baril na nangyari.

Giit pa ng iba’t ibang militanteng grupo, tinaniman ng mga ebidensya kaya ilegal ang pagkakaaresto kay Ladlad.

Bukod sa NDFP consultant, inaresto rin sina Alberto at Virginia Villamor sa Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Kabataan PL Rep. Sarah Elago, ang paghuli kina Ladlad ay paglabag din sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG, kung saan nakasaad na duly accredited NDFP consultant si Ladlad

Kung maraming supporters ni Ladlad na dumating, marami ring pulis na nakaantabay at todo-bantay.

TAGS: inquest, ndfp, Vic Ladlad, inquest, ndfp, Vic Ladlad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.