Imbakan ng mga bala sa naval base sa Cavite, tinupok ng apoy

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2018 - 09:39 AM

Nasunog ang bahagi ng Naval Base sa Sangley Point sa Cavite, Biyernes (Nov. 9) ng umaga.

Ayon kay Philippine Navy spokesperson Commander Jonathan Zata, naapektuhan ng sunog ang Naval Ordnance Depot ng Philippine Navy sa Naval Station nito sa Sangley Point.

Nagsimula ang sunog sa storage o imbakan ng mga armas pasado alas 5:00 ng umaga kung saan naroroon ang mga bala para sa maliliit na kalibre ng baril.

Naideklara namang kontrolado na ang sunog pagsapit ng alas 7:45 ng umaga.

Wala namang nasugatan sa sunog at inaalam pa kung magkano ang halaga ng mga natupok na gamit.

Aalamin din kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

TAGS: cavite, fire, naval base, philippine navy, sangley point, cavite, fire, naval base, philippine navy, sangley point

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.