Duterte: Boracay residents ayaw sa sugal

By Rhommel Balasbas November 09, 2018 - 02:26 AM

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na mismong mga residente ng Boracay ang ayaw sa casino o pagsusugal sa kanilang isla.

Sa ambush interview matapos pamunuan ang pamamahagi ng land titles sa Boracay, sinabi ng pangulo na lumabas sa isinagawang survey na ayaw ng mga lokal sa sugal.

“Ang survey dito, ang mga tao ng Boracay, ayaw ng sugal,” ani Duterte.

Kung ito anya ang kagustuhan ng mga tao sa Boracay, ay ito ang masusunod.

“If it is the wish of the population here that they do not want a casino, then it will be a no casino,” dagdag ng pangulo.

Nauna nang ipinahayag ng presidente ang pagsalungat sa pagtatayo ng $500 milyong integrated casino resort ng Galaxy Macau’s Galaxy Entertainment Group at ng AB Leisure Exponent Inc. sa isla.

Iginiit ni Duterte na walang makukuha ang mga Filipino sa pagtatayo ng casino sa Boracay at posible pa itong magdulot ng mga iregularidad tulad ng pagkalat ng iligal na droga, kidnapping at iba pang krimen.

“Marami diyan (irregularities), policemen who are in the business of fixing things, money lenders, and people who really kidnapped foreigner, as a reason why it’s almost, pag pinasok mo, Philippine contemporary scene, the hotel with the casino is not good because there are a lot of things will happen,” ani Duterte.

Sinabi naman ng punong ehekutibo na hindi kailangan ang isang executive order (EO) para pigilan ang mga kumpanya na magtayo ng casino sa Boracay.

Ito ay matapos sabihin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kailangan ang isang EO para maipatupad ang casino ban.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.