PNP: Paghuli kay Ladlad may kaugnayan sa kanyang mga armas

By Den Macaranas November 08, 2018 - 04:42 PM

Inquirer file photo

Walang kinalaman sa pagiging miyembro ng komunistang grupo ang ginawang pag-aresto kay National Democratic Front of the Philippine (NDFP) consultant Vic Ladlad.

Ipinaliwanag ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde na may nilabag na batas si Ladlad kaya siya inaresto.

Nahaharap si Ladlad sa kasong illegal possession of firearms.

Sinabi ni Albayalde na nabawi mula sa tinutuluyan ni Ladlad ang isang M4 rifle, AK-74, ilang mga handguns, mga granada, mga bala at ilang mga dokumento.

Dahil kinansela ng pangulo ang peace talk kaya suspendido na rin ang safe conduct pass para sa lider ng NDFP ayon pa sa pinuno ng PNP.

Samantala, ipinaliwanag ni National Capital Capital Regional Police Office Director Guillermo Eleazar na may dalang search warrant ang mga pulis nang salakayin nila ang lugar ng lider-komunista.

Si Ladlad ay inaresto kasama sina Alberto at Virginia Villamor sa Brgy. San Bartolome sa Novaliches, Quezon City.

Malaya rin umanong madadalaw ng kanyang mga kaibigan at kapamilya si Ladlad na kasalukuyang nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

TAGS: albayalde, duterte, eleazar, ndfp, NPA, PNP, Vic Ladlad, albayalde, duterte, eleazar, ndfp, NPA, PNP, Vic Ladlad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.